Constructon Worker, Arestado sa Pamboboso sa Kanyang Girlfriend!

Roxas Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mangikil sa kanyang Girlfriend sa Bantug, Roxas, Isabela ganap na alas dose ng tanghali, March 02, 2018.

Kinilala ang suspek na si Kevin Cabacungan, 23 anyos, construction worker at residente ng Brgy. Quiling, Roxas Isabela samantalang kinilala naman ang biktima na si Elena Sayo, 21 anyos, book keeper at residente ng Brgy. Calisi Mallig.

Batay sa report na nakalap ng RMN Cauayan News Team, dumulog umano si Sayo sa tanggapan ng PNP Roxas ng makatanggap ng text message mula sa kanyang boyfriend na si Cabacungan hinggil umano sa paghingi nito ng pera at pinagbabantaang ipapakalat sa social media ang kanyang malalaswang larawan kung hindi niya ito bibigyan.


Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang PNP Roxas gamit ang 3 piraso ng isang libong piso na siya namang ikinadakip ng suspek.

Agad dinala ang suspek sa kostudiya ng pulisya na mahaharap sa kaukulang kaso at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naganap na insidente.

Facebook Comments