Consular Office NCR-North Robinson’s Novaliches, sarado sa publiko ngayong araw

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasara ng Consular Office NCR-North Robinson’s Novaliches para sa disinfection ngayong araw, December 10, 2020.

Ayon sa DFA, ang regular na pag-disinfect sa naturang tanggapan ay bahagi ng paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ang mga aplikanteng apektado ng pagsuspinde ng operasyon ngayong araw ay pinapayuhan na muling gumawa ng appointment sa pamamagitan ng pag-email sa ncrnovaliches.so@dfa.gov.ph para sa panibagong schedule.


Pinapayuhan din ng DFA ang mga aplikante na nangangailangan ng emergency service ng konsulado na makipag-ugnayan sa Consular Office NCR-North sa pamamagitan ng email.

Hinihiling ng DFA ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko sa patuloy na pakikipaglaban ng kagawaran sa pandemya.

Facebook Comments