Consular offices ng DFA, sarado sa Dec.26, Jan. 2, 2019

Manila, Philippines – Sarado ang lahat ng consular affairs ng Department of Foreign Affairs o DFA sa December 26 at January 2, 2019.

Alinsunod ito sa memorandum na inilabas ng Malacañang na nagsusupinde sa pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Inaabisuhan ang lahat ng mga may passport appointment sa December 26 na pumunta sa kanilang tanggapan ng December 27 at 29.


Habang ang mga may passport appointment sa January 2 ay maaaring pumunta sa January 3.

Facebook Comments