Consular operations ng Philippines Embassy sa New Zealand, suspendido pa rin dahil sa COVID-19 lockdown

53

Suspendido pa rin ang consular operations sa Philippine Embassy sa New Zealand.

Dahil ito sa kinakaharap na COVID-19 Alert Level 4 na pinapairal ng Pamahalaan ng New Zealand.

Mula sa ilalim ng kautusan, mananatili ang lockdown sa Wellington hanggang bukas Biyernes, Agosto 27.


Habang sa Auckland ay hanggang sa Martes, Agosto 31 ang lockdown.

Pinapayuhan naman ang mga Pilipino na may transaksyon sa embahada na mag-abang na lamang sa susunod na anunsyo nito.

Facebook Comments