Dumating na sa Lviv, Ukraine ang isang consular team mula sa Philippine Embassy sa Poland para sa agarang tulong ng mga Pilipino sakaling atakehin ng Russia ang dating Soviet republic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinabibilangan ito ng isang consul at isang assistance-to-nationals (ATN) officer.
Anila, nakipagkita na ang consular team sa dalawang grupo ng mga Pilipino na inilipat sa Lviv area mula Kyiv bilang precautionary measure.
Gayundin isa pang grupo ng mga Pilipino na nailipat sa Ivano-Frankivsk area mula Kyiv.
Tiniyak di ngn DFA na ang Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv ay tumutulong sa consular team sa pag-aayos ng pagpapauwi ng mga Pilipino na nag-avail ng voluntary repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas mula Ukraine.
Tinatayang 380 Pilipino ang nakatira sa Ukraine na karamihan ay nasa Kyiv at matatagpuan sa malayong lugar mula sa eastern border na malapit sa Russia.