Matagumpay na naidaos kamakaialan ng Department of Agrarian Reform-Autonomous Region in Muslim Mindanao ARMM ang isang araw na consultative meeting on Agrarian Reform Beneficiary (ARB) Profiling and Validation na pinangunahan ni Regional Secretary Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide.
Inumpisahan ng DARPOs ng Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ang implimentasyon ng ARB profiling sa pamamagitan ng kani-kanilang service providers noon pang third quarter ng 2017.
Sa naturang tagpo sy sinabi ni Sec. Jumaide na pangunahing mandato nila na titakin na ang recipients ng kanilang interventions ay mga lehitimong farmer beneficiaries.
Hiniling nito sa local government units sa pamamagitan ng Local Chief Executives na magkaroon ng designated area sa loob ng compound ng kani-kanilang municipal hall na accessible at magsisilbi sa ARBs.
Ang nabanggit na consultative meeting ay nagsilbi ring avenue upang malaman ang estado ng ARB profiling at validation project.
Consultative Meeting kaugnay ng ARB Profiling at Validation isinagawa ng DAR-ARMM!
Facebook Comments