CONSUMER ADVOCACY SEMINAR, ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ang tanggapan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ng dalawang araw na Entrepreneurship cum Consumer Advocacy Seminar sa Dagupan City.
Nakilahok ang mga MSMEs owners at consumer advocates at nabahagian ng mga kaalaman ukol sa kalakalan sa pagnenegosyo at mga karapatan bilang isang konsyumer.
Layon ng aktibidad na makapagbigay pa ng mga kaalaman mula sa mga karanasan sa pagnenegosyo.
Kabilang pa sa mga naging sentro ng programa ay ang pagbabahagi ng kaalaman sa mga ito upang maiangat pa ang kakayahan ng mga maliliit na negosyante at konsyumer ukol sa pagnenegosyo ay maging mga karapatan bilang konsyumer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments