Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañang na base sa MasterCard Asia-Pacific Consumer Confidence Survey ay nakuha ng Pilipinas ang pinakamataas na optimism level kung saan nakakuha ito ng 94.5 points kung saan naungusan ng bansa ang China at ang Cambodia na mayroon lamang 92.2 points.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, base sa survey ay hinuhugot ang mataas ng consumer optimism mula sa maraming infrastructure projects na plano sa ilalim ng administrasyong Duterte na siyang magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino na siyang hahatak pataas sa ekonomya ng bansa.
Maaari din naman aniya itong iugnay sa bagong TRAIN Law dahil mapopondohan nito ang Build-Build-Build Program at ang mga social welfare programs ng adminsitrasyon.
Kabilang din aniya dito ang mas mababang income tax na sisingilin sa mga mangagawa na dahilan para tumaas ang purchasing power ng publiko.
Ibinida din ng Malacañang na maganda din ang pagtaya ng Grant Thorton International Business Report sa Pilipinas.