
Nagkasa ng kilos-protesta ang grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa harapan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ito’y para ipanawagan na alisin ang umento o dagdag P16 sa presyo ng semento.
Ayon kay Rodolffo Javellana mula sa grupong UFCC, ang panukalang rekomendasyon na dagdag taripa na P14 mula sa P16 ay malinaw na pampalubag-loob na P2, ngunit ito ay palakpak sa tenga ng kartel ng semento.
Malinaw umano na ang kapritso ng kartel sa semento ang nasusunod sa kanilang dikta, at ito ay hindi katanggap-tanggap para sa mga kaawa-awang consumer na babalikat ng dagdag-taas-presyo na ito ng semento.
Aniya, dahil sa monopolisado ng kartel ang industriya, nakasisiguro na ang pagsipa pataas at bilyong piso ang kikitain ng sindikato kahit pa kulang ang suplay ng semento sa bansa.
Una nang hiniling ng grupo na kanselahin ang karagdagang taripa o dagdag-presyo ng semento









