Umapela ang isang consumer group ng transparency mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng nagtaaasang presyo ng ilang basic goods.
Una rito, siyam na brand ng gatas ang nagtaas ng Suggested Retail Price (SRP) ng P0.50 hanggang P2.00
Piso naman ang iminahal ng isang klase ng kape habang P0.85 sa patis.
Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba – dapat na maayos na ipinapaalam sa mga konsyumer kapag may price adjustments.
Dapat din aniyang dumaraan sa public consultation ang mga hirit na price increase.
Iminungkahi rin ng grupo sa DTI na ibalik ang price boards sa mga wet market, pagmultahin ang mga lumalabag sa price act at magtakda ng temporary SRP sa mga karne ng manok at baboy.
Nilinaw naman sa DTI na sumasailaim sa tamang proseso at pag-aaral ang taas-presyo bago ito ipatupad.