Sumulat na sa National Price Coordinating Council ang consumer group na Laban Konsyumer upang makontrol nang maayos ang mga pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba na ito ay upang mapagaan ang epekto sa mga pangunahing bilihin ng patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.
Ayon kay Dimagiba, nagkaroon sila ng mungkahi para hindi gaanong maapektuhan ang mga presyo ng mga gulay at iba pang produkto na gumagamit ng gasolina para i-deliver sa iba’t ibang lugar.
Inirekomenda rin ni Dimagiba na magpatupad muna ng price freeze lalo na’t una nang pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of emergency sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala, ilang kumpanya ng langis ang magpapatupad bukas ng malakihang oil price hike na aabot sa halos ₱2 sa kada litro.