Consumer group, umapela sa pangulo na hadlangan ang mga panibagong buwis

Nanawagan ang United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) kay Pangulong Bongbong Marcos, na pigilan ang balak ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpataw ng panibagong buwis na lalong magpapahirap sa mamamayan.

Sinabi ni UFCC president RJ Javellana na lumapit na sila sa pangulo upang mahadlangan ang balak ng nasabing mga ahensya.

Una na rito ay ang plano ng BIR na patawan ng creditable one percent withholding tax ang mga online sellers and service providers na gumagamit ng iba’t- ibang ecommerce platforms.


Hindi aniya ito napapanahon sapagkat hindi pa tuluyang nakakabangon ang bayan mula sa pagkakalugmok sa pasakit na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Dinagdag pa nito sa sa bandang huli, ang mga consumers at communters rin naman ang tatamaan ng one percent withholding tax dahil maipapasa rin lang maman ito ng mga negosyante sa publiko.

Umaasa naman ang UFCC na pakikinggan ng pangulo ang kanilang apela sa DOF at BIR.

Facebook Comments