CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa Biñan, Laguna at Quezon City, pansamantalang makakaranas ng power interruption

Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Biñan, Laguna at Quezon City.

Alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon, walang kuryente sa ilang bahagi ng Barangay San Antonio sa Biñan, Laguna dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste at reconstruction works sa nasabing barangay.

Alas-9:00 ng umaga hanggang ala-2:00 ng hapon, magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Barangay Bahay Toro sa Project 8, Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste, line reconductoring works at installation of additional lightning protection devices sa may Dexter Street.


Facebook Comments