CONSUMER WATCH | Ilang lugar sa Parañaque, Bacoor at Cavite, pansamantalang makakaranas ng water interruption

Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Parañaque City, Bacoor at Imus, Cavite.

Ito ay dahil sa pansamantalang shutdown sa Putatan Water Treatment Plant (pwtp) sa Muntinlupa City na nagsimula kahapon (June 6) upang maikonekta ito sa bagong water treatment facility na ginagawa sa naturang lugar.

Kaninang alas-2:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng umaga ng June 8, wala ng tubig sa BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green Village, San Antonio at San Martine de Porres sa Parañaque City.


Alas-10:00 naman ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng June 8, mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Imus at Bacoor, Cavite.

Facebook Comments