Consumers group, nag-martsa sa Malacañang, nag-caroling kontra ‘coal energy’

Idinaan sa pangangaroling sa Malakanyang ng mga grupong tagapagtaguyod ng klima at kalikasan, faith-based organizations, at mga power consumers ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga stakeholders ng enerhiya.

Ito ay upang gawing pamaskong regalo na lamang na ipagbawal ang pagtatayo pa ng ‘coal’ o karbon.

Ang “Caroling ng Mamamayan,” ay bahagi ng dalawang Linggong Christmas-themed na aktibidad na pinangungunahan ng Power for People Coalition (P4P)


Ayon kay Gerry Arances, Convenor ng P4P, sa pamamagitan ng pagrerebyu sa umiiral na polisiya sa sektor ng enerhiya, malaking ginhawa ito sa mga kumokunsumo ng kuryente at makakahinga ang kalikasan.

Facebook Comments