Contact tracers, kailangang sumunod sa non-disclosure protocol ayon sa DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang COVID-19 contact tracers ay tinuruan ng guidelines sa kung ano lamang ang impormasyon na pwedeng kolektahin at ilabas.

Ito ang pahayag ng DOH kasunod ng mungkahi ni Central Visayas Police Regional Office Director Brigadier General Albert Ignatius Ferro na gamitin ang mga tsismoso at tsismosa bilang contact tracers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, iminungkahi lamang ito ng pulisya para makahikayat ng mas maraming contact tracers.


Binigyang diin ni Vergeire na mayroong sinusunod na pamantayan sa pagkuha ng contact tracers.

Tiniyak ng DOH na ang inilalabas na COVID-19 information ay ‘anonymized,’ at alinsunod sa patakaran sa pagtunton ng close contacts ng infected patients.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nangunguna sa contact tracing efforts kung saan mayroong 73,985 contact tracers sa buong bansa.

Facebook Comments