Binigyang diin ni Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na napapagod din ang mga contact tracer sa harap ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang Pilipinas ay mayroong 149,000 contact tracers at nagawa nang makapagtunton ng 400,000 katao na nagkaroon ng close contact sa isang pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Magalong, mahirap ang trabaho ng mga tracer lalo na ang mga walang karelyebo o kapalitan.
Dagdag pa ni Magalong, tanging limang close contacs ng isang positive cases ang natutunton, malayo sa ideal ratio na 1:37.
Sa ngayon, plano na ng pamahalaan na mag-hire ng karagdagang contact tracers ngayong Setyembre at ang budget ay nakapaloob na sa Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 bill.
Facebook Comments