Contact tracing ability ng gobyerno, umabot na sa 96 percent nationwide ayon sa PNP

Nakaabot na sa 96 percent ang contact tracing ability ng pamahalaan nationwide.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa, sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang pagtulong sa health authorities sa pagtukoy sa mga taong nahawaan ng COVID-19.

Aniya, ito ay hiwalay na operation support ng PNP sa pamahalaan para magbigay ng overall strategic response sa COVID-19 crisis.


Sa ngayon, hindi pa sila nagpapakampante dahil hindi pa sapat ang kanilang operation support.

Inamin naman ni Gamboa na dahil sa mga “restrictions” tulad ng data privacy law, nalilimitihan ang kakayahan ng mga awtoridad na ma-trace ang mga posibleng carrier ng sakit lalo na sa National Capital Region (NCR) na mayroon lamang contact tracing efficiency na 74 percent.

Pero malaki aniya ang maitutulong ng investigative skills ng mga pulis sa pag-trace ng mga possibleng carrier ng sakit, base sa impormasyong ibinigay ng mga COVID-19 patients.

Kinakailangan lang aniya ay may kooperasyon ang mga pasyente sa pagbibigay ng mga detalye tungkol sa kanilang mga nakasalamuha.

Facebook Comments