Bigong makatulong ang contact tracing app na StaySafe sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.
Sa ginanap na Senate finance panel inquiry para sa vaccination passport program, sinabi ni Senator Pia Cayetano na nangongolekta lamang ng datos ang StaySafe pero hindi naghahanap ng mga indibidwal.
Depekto rin aniya ang app na magpadala ng mensahe sa indibidwal upang magbigay ng alerto kung ito ay malapit sa isang nagpositibong indibidwal.
Samantala, agad namang dumipensa si Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Manny Caintic ang sinabing hindi pa tapos ang contact tracing app.
Nabatid na halos anim na buwan nang ginagamit ang StaySafe app sa bansa kung saan ito lamang ang contact tracing na madalas gamitin sa bansa.