Maaaring gamitin bilang “vaccine pass” ang nilikhang application para sa contact tracing ng lokal na pamahalaan ng Pasig.
Ito ay sakaling magdesisyon na ang pamahalaan na maglatag ng bagong Identification System para sa mga nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.
Sa tweet ni Pasig Mayor Vico Sotto, naka-integrate o nakapaloob na sa “PasigPass” ang contact tracing data kasama ang vaccination records.
Kaya naman sa oras na may pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ay maaari na itong gamitin bilang “vaccine pass.”
Ang PasigPass ay unang idinesenyo ng lungsod bilang COVID-19 contact tracing app gamit ang QR code system.
Facebook Comments