Pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang contact tracing at vaccination efforts ng lungsod partikular sa mga senior citizens.
Ito ay paghahanda na rin sa posibleng paglobo ng bilang ng COVID-19 cases sa lungsod bunsod na rin ng kumpirmadong local cases ng Delta variant.
Ayon kay Vice Mayor Lorena Natividad, agad na inalerto ni Mayor Rex Gatchalian ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) matapos na sa isang linggo ay nakapagtala agad ng mahigit sa 100 kaso ng COVID-19 sa syudad.
Giit ng vice mayor, kailangan na i-assume o isipin na nasa lungsod na ang Delta upang makapaghanda na nang maaga at makapagdoble ingat na ang mga residente.
Sa ngayon ay wala pang official report mula sa Department of Health kung may confirmed case na ng Delta variant sa lungsod.