Contact Tracing Czar Benjamin Magalong, tumutulong na rin sa contact tracing ng Pasay LGU

97

Nagbahagi na rin ng kaniyang strategy sa contact tracing sa Pasay City si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.


Ito ay matapos na maitalaga si Magalong bilang Contact Tracing Czar ng pamahalaan kaugnay ng paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang pakikipagpulong kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa city hall, tinalakay ni Magalong ang mga hakbangin sa mas mabisang contact tracing sa mga posibleng na-expose sa COVID positive.

Tulad ng ginagawa ng Baguio City Local Government Unit (LGU), gumawa na rin ang Pasay City ng contact tracing app para sa mas epektibong pagtukoy sa iba pang mga residente ng lungsod na posibleng infected ng virus.

Facebook Comments