Contact tracing Czar Ret. Gen. Benjamin Magalong, Nagsagawa ng pagsasanay sa Region 2

20

Cauayan City, Isabela-Nagsagawa ng contact tracing training sa lalawigan ng Cagayan maging sa buong rehiyon dos si Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Ret. PMGen. Benjamin Magalong kahapon, Setyembre 8 sa Police Regional Office 2.

Ayon sa pahayag ni Mayor Magalong, kinakailangan na magkaroon ng ibayong pagsasanay ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Local Government Units, Health offices sa mga lungsod at bayan para mapabilis ang pagtukoy sa mga posibleng nahawa ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Giit ng dating heneral, kailangan lang na magkaroon ng bagong kaalaman sa proseso ng contact tracing sa bansa para sa pagtunton sa mga posibleng nagpositibo sa isang komunidad.

Dagdag pa nito,malaki ang partisipasyon ng mga otoridad sa pagtukoy sa mga nakasalamuha ng isang magpopositibong pasyente.

Nagpaalala din ang opisyal na suportahan ang hakbang ng pamahalaan para sa paglaban sa mapaminsalang sakit na nagpapahirap sa taumbayan maging sa pagbaba ng ekonomiya.


Facebook Comments