Contact tracing, dapat palakasin sa halip na magpatupad ng lockdown ayon sa WHO

Sa halip na magpatupad muli ng mas mahigpit na lockdown, iminungkahi ng World Health Organization (WHO) ang pagpapalakas ng contact tracing.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay WHO Philippine Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, mahalagang magkaroon ng epektibong contact tracing para matukoy kung saan nagmula ang transmission ng virus.


Sa pamamagitan nito, malilimitahan ang galaw ng tao sa isang partikular na lugar nang sa gayon ay hindi na ito makapanghawa sa iba.

Facebook Comments