Hinihikayat ng OCTA Research Team ang pamahalaan na itaas ang testing, contract tracing at isolation efforts nito para mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 variant sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, expected na talaga ang pagpasok ng COVID-19 variant sa bansa pero ang mahalaga ay nakalatag ang mahigpit na control measures para hindi ito kumalat sa bansa.
Mungkahi nila, itaas ang kapasidad ng national healthcare system kabilang ang dagdag na human resources, equipment tulad ng ventilators, bed capacity at wards.
Dagdag pa ni Ong, ang contact tracing efforts ay dapat hindi naka-focus sa Metro Manila pero gawin na rin sa mga probinsya.
Mahalaga ring simulan ng gobyerno ang malawakang information campaign para sa vaccination program nito.