Contact tracing efforts, paiigtingin ayon sa DILG

Paiigtingin ng pamahalaan ang contact tracing efforts nito para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-hire ng karagdagang contact tracers.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, mayroong 4,818 contact tracing teams ang Pilipinas o kabuuang 65,574 contact tracers.


Sinabi ni Año na kailangan pa rin ng nasa 80,000 contact tracers kaya tatanggap pa sila ng karagdagang 50,000 contact tracing members na itatalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Iginiit ng kalihim na dapat mayroong contact tracing teams sa bawat barangay at business centers.

Ang pagre-recruit ng contact tracers ay nagpapatuloy sa Cebu at sa National Capital Region (NCR).

Sa ngayon, nakatutok ang Pamahalaan sa pagkontrol ng umuusbong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Central Visayas at Region 8.

Magpapatuloy rin ang localized lockdowns.

Facebook Comments