Contact tracing efforts sa NCR, bahagyang nag-improve, ayon kay Mayor Magalong

“Slightly improved”

Ito ang tingin ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa contact tracing efforts sa Metro Manila kasabay ng dalawang linggong pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Magalong, nakakapag-trace ang pamahalaan ng hanggang limang close contacts sa bawat COVID-19 patient sa Metro Manila noong MECQ.


Bago ipinatupad ang MECQ noong August 4, aabot lamang sa tatlong close contacts ang natutunton.

Iginiit ni Magalong na hindi pa ito sapat dahil ang ideal contact tracing ratio ay 1:30 (one-is-to-thirty) hanggang 1:37 (one-is-to-thirty-seven)

Sa CALABARZON naman, humina pa ang contact tracing ratio na 1:4 (one-is-to-four), mula sa dating 1:5 (one-is-to-five).

Ang mga tracers sa MIMAROPA at Cordillera Administrative Region ay nagagawang makapaghanap ng 27 at 22 close contacts.

Ang mahinang contact tracing efforts ay bunga ng kawalan ng partisipasyon ng Local Chief Executives, pondo para suportahan ang tracing operations at kakulangan sa tauhan.

Araw-araw din aniya ay marami ang naitatalang bagong kaso kung saan mas tinututukan ng mga LGU ang iba pang hakbang para maibsan ang epekto ng pandemya tulad ng relief operations.

Panawagan ni Magalong sa mga LGU na bigyang halaga ang contact tracing.

Facebook Comments