Contact tracing efforts sa Pilipinas, nalulusaw na – Magalong

Iginiit ni Baguio City Mayor at Tracing Czar Benjamin Magalong na nalulusaw o humihina na ang contact tracing efforts sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Magalong na ang contact efficiency ratio ay bumagsak sa 1:3 (one-is-to-three).

Ang national average ng tracing ratio ay dapat nasa 1:7.


Nasa 17 rehiyon ang humihina ang contact tracing system – kabilang ang National Capital Region (NCR), Cordillera, at MIMAROPA.

Bukod dito, may ilang contact tracers na hindi na tinutunton ang iba pang close contacts ng confimed case.

Isa rin sa nakikitang dahilan ni Magalong ay ang kawalan ng uniformed data collection tool sa mga local government units (LGUs).

May ilang LGUs na hindi maayos na ine-encode ang close contact records.

Ang “COVID Kaya” surveillance system at “Tanod COVID” reporting system na ipinapatupad ng national government ay hindi sumusuporta sa contact tracing.

Binanggit din ng alkalde ang delay sa rollout ng StaySafe.PH tracing application.

Facebook Comments