Contact tracing, importante pa rin ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong

Mahalaga pa rin ang pagsasagawa ng contact tracing para mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Ito ang iginiit ni Baguio City Mayor at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong kasunod ng pahayag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi na nila inirerekomenda bilang priority intervention ang contact tracing.

Habang sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, “impractical” ngayon ang nasabing stratehiya dahil sa ngayon, mas kailangang tutukan ang ibang “high-impact” activities gaya ng pagbabakuna.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Magalong na nauunawaan niya ang mga opisyal ng DOH at posibleng nasabi lamang nila ito dahil na rin sa mataas na kaso ngayon ng COVID-19.

Pero giit niya, nananatiling pillar sa Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegration (PDITR) strategy ang contact tracing kaya hindi ito dapat balewalain.

Dagdag pa ni Magalong, maaari namang ipaubaya na lamang ng DOH sa mga lokal na pamahalaan ang sa pagsasagawa ng contact tracing.

“Anyway ang mga local government naman ay on top of the situation. Hindi naman na sigurong diktahan kung ano yung gagawin. Unang-una, dapat ang trabaho ng DOH is to provide yung resources pero yung local government should take charge of the management,” ani Magalong.

“Leave it to the local government unit, the local government knows best, they know better,” giit pa niya.

Facebook Comments