Contact tracing na isinasagawa ng gobyerno, mabagal pa rin ayon kay dating DICT Usec. Eliseo Rio

Mabagal pa rin ang isinasagawang contact tracing ng gobyerno para mahanap ang mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay Eliseo Rio, dating Undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT), bagama’t may inihandang contact tracing app na “Stay Safe” ang DICT na tutulong sa pamahalaan sa contact tracing, hindi pa rin ito naging epektibo.

Kulang pa rin kasi ang koordinasyon ng Department of Health (DOH) sa ahensiya kaya hindi agad nagagamit ang Stay Safe App sa contact tracing.


Sa ngayon, limang buwan na mula nang maitatag ang Stay Safe App pero hindi pa rin ito nagiging epektibo dahil nananatili pa ring nakadepende sa manual contact tracing ang ahensiya.

Facebook Comments