Contact tracing protocol, pinalawig ng IATF

Pinalawig pa ng pamahalaan ang contact tracing protocols nito kasunod na rin ng naitalang unang kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ipabibilang na rin ang third generation contacts ng lahat ng matutukoy na new variant cases, sa pagsasagawa ng contact tracing.

Lahat aniya ng matutukoy na close contact ay kailangang sumailalim sa mahigpit na facility based 14-day quarantine.


Ayon kay Secretary Roque, ang lahat ng magpopositibo sa COVID-19 ay kailangan na rin sumailalim sa whole genome sequencing na isasagawa ng Department of Health (DOH), University of the Philippines Philippine Genome Center (UP-PGC) at UP National Institute of Health (UP-NIH).

Facebook Comments