Contact tracing sa bansa, mas naging pahirapan

Inamin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mas naging pahirapan ang contact tracing sa bansa.

Sa Laging Handa press briefing, inihayag ni Magalong nakaapekto sa pagkakaroon ng epektibong contact tracing ang kakulangan sa budget at ang mataas na bilang ng nagpopositibo sa COVID-19.

Ani Magalong, sa kasalukuyan ay pumapalo sa 1:4 hanggang 1:5 ang contact tracing effort ng bansa kung saan sa kada COVID-19 positive patient ay tanging 4 o 5 lamang ang natutunton na close contacts.


Malayo ito sa naunang ratio dalawang buwan nakakalipas na 1:9.

Nakiusap naman si Magalong na maging “creative” sa paghahanap ng mga close contact sa kabila ng mababang bilang ng contact tracers na ipinapakalat.

Matatandaang iginiit ng World Health Organization (WHO) na mas mahalaga ang pagpapabuti ng contact tracing efforts kaysa magpatupad ng mga lockdown.

Facebook Comments