Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan pa rin ang ginagawang contact tracing ng pamahalaang panlungsod sa iba pang mga nakasalamuha ni City Mayor Jay Diaz ng Lungsod ng Ilagan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, City Information Officer na kabilang rin sa mga naka home quarantine na nakasalamuha ng alkalde, nasa 29 na mga barangay sa Lungsod ang isinailalim sa lockdown na mga napuntahan ng alkalde.
Natukoy na aniya ang mga naging direct contact ng alkalde habang tinitukoy naman ang mga nakahalubilo ng kanyang mga nakasalamuha.
Sumailalim na rin sa swab test ang mga first direct contact ng alkalde.
Nilinaw ni Ginoong Bacungan na walang direct contact ang alkalde sa tinatayang 150 scholars sa isinagawang distribusyon ng scholarship sa Lungsod.
Ibihagi rin ni Ginoong Bacungan na nasa maayos na kondisyon alkalde at inaasahan na magbabalik na ito sa pagbibigay serbisyo sa mga susunod na araw.
Bagamat naka quarantine ang mga opisyal ng Lungsod ay patuloy pa rin aniya ang kanilang pagpapaalala at panawagan sa mga Ilagueño na sundin ang mga health and safety protocols.
Tiniyak naman ng alkalde na mabigyan ng ayuda ang mga barangay na naapektuhan ng lockdown sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay.