Contact tracing sa Valenzuela City, mas pinaigting pa bunsod ng Delta variant

39

Mas pinaigting pa ng Valenzuela City ang kanilang contact tracing kahit na wala pang naitatalang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa lungsod.

Ayon kay Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, salig na rin sa utos ni Mayor Rex Gatchalian ay ilang araw silang nagpulong kasama ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) vaccination teams para matiyak na hindi sila mabubulaga sakaling may maitalang Delta variant sa lungsod.


Kung dati aniya ay first at second degree generation of contacts lang ang tini-trace, isinama na ngayon hanggang 3rd generation.

Sinabi ng bise alkalde, sa pamamagitan ng ValTrace ay mahigpit ang pag-track down sa kung saan nagpunta o saan nanggaling sa nakalipas na ilang araw ang mga nagpopositibo sa COVID.

Ito’y para ma-assess nang mabuti ang mga taong nakausap o nakasalamuha para agad maisailalim sa swab test kung kinakailangan.

Facebook Comments