Contact tracing web application na “MRT-3 Trace”, ilulunsad na bukas

Nagkabit na ng mga QR code at iba pang materyales ang pamunuan ng MRT-3 sa lahat ng mga istasyon bilang paghahanda sa ilulunsad na “MRT-3 Trace” bukas.

Ang MRT-3 Trace ay ang contact tracing web application ng rail line na na-develop ng support division ng MRT-3 para sa mas mabilis na COVID-19 monitoring ng linya.

Layon ng application na gawinng automated ang manual contact tracing process na kasalukuyang ipinatutupad sa mga istasyon.


Sa ganitong paraan mas mapapabilis at mpapadali ang proseso at mas mababawasan ang contact ng mga pasahero sa isa’t isa gayundin sa mga MRT-3 personnel.

Inaasahan ang full implementation MRT-3 Trace sa susunod na buwan.

Facebook Comments