Gustong magtanim ng gulay, pero limitado ang iyong lupa o garden? Containerized Gardening ang sagot diyan!
‘Yan ang inilunsad na proyekto ngayon sa mga paaralang Elementarya sa lungsod ng Dagupan, kung saan ang mga estudyante ay tuturuang magtanim ng mga gulay gamit ang mga recyclable materials gaya ng mga plastic bottles, egg trays, at iba pa.
Naunang sumabak sa School-Based Orientation- Workshop ang mga guro at estudyante ng Mangin-Tebeng Elementary School nitong araw ng Martes, September 16, 2025.
Sa tulong ng City Agriculture Office, naituro sa mga ito kung paano makabuhay ng tanim sa mga containers na ito upang hindi lamang makabawas sa mga basura kundi mayroon ding mapagkukunan ng gulay kapag kailangan.
Nakatakda na rin silang umikot sa iba pang paaralan sa siyudad upang ituro ang ganitong paraan ng pagtatanim na hindi lamang sustainable food source kundi environmental friendly pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









