Iminungkahi ni Manila Third District Rep. Joel Chua ang pagpapatayo ng containerized housing para sa informal settlers na nawalan ng tahanan matapos masunugan.
Ayon kay Chua, hindi sapat na pagkalooban lang ng tulong pinansyal ang mga nasunugan dahil muli lang silang magtatayo ng mga bahay na gawa sa mga materyales na madaling lamunin ng apoy.
Dagdag pa ni Chua, ang mga “containerized” na bahay ay mas madaling itayo kaya agad mapapakinabangan ng mga biktima.
Inihalimbawa ni Chua na maaring makinabang dito sana agad ang nasa 2,500 mga nawalan ng matitirhan matapos masunugan sa bahagi ng Oroquietta, Sta. Cruz, Manila.
Facebook Comments