Contempt order at constitutional crisis, posibleng kaharapin ng senado kung hindi susundin ang ruling ng Korte Suprema tungkol sa impeachment case laban kay VP Sara

Nagbabadya ng krisis sa pagitan ng Senado at Korte Suprema kung itutuloy pa rin ng Impeachment Court ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senator Migz Zubiri, dapat lamang na igalang at kilalanin ng Senado ang ruling ng Supreme Court.

Sinabi ni Zubir na para sa mga senator judge na gustong ituloy ang impeachment proceedings sa Senado, posibleng maharap sila sa contempt order at magresulta sa constitutional crisis o kaya naman ay dangerous precedent kung sasalungatin ang naging desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang impeachment case laban kay VP Duterte.

Kung babalewalain aniya ng Impeachment Court ang SC decision, ito ay tiyak na mauuwi sa pagguho ng pinaka-prinsipyo ng Judicial Review salig na rin sa naging ruling sa Angara vs Electoral Commission.

Tinukoy pa ni Zubiri na inilalagay nito sa panganib ang maselang sistema ng checks and balances na siyang pundasyon ng ating demokrasya.

Facebook Comments