CONTEMPT | Senado, naglabas nan g arrest order laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista

Manila, Philippines – Naglabas na ng arrest order ang Senado laban kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Committee on Banks Financial Institutions and Currencies Chair Senator Chiz Escudero, pinirmahan na ni Senate President Koko Pimentel ang nabanggit na arrest order.

Ibibigay na aniya ito sa senate sergeant at arms para ipatupad.


Ang arrest order ay bunsod ng pag-contempt ng Senate kay Bautista dahil sa ilang beses nitong pag-indyan sa pagdinig ng kaugnay sa umano’y tagong yaman nito.

Facebook Comments