
Inamin ng social media personality at content creator na si Jack Argota na hindi siya nagsisi sa kanyang pag-post sa sinasabing pekeng medical certificate ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ay bagama’t aminado aniya siya na napansin niyang may mali at posibleng peke nga ang medical certificate.
Inamin din nito na pina-enhance niya sa ChatGPT ang content bago niya ito pinost pero napansin niya na mali ang nakalagay ditong birthday ng pangulo.
Si Argota ay humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) para magbigay ng kanyang panig matapos na padalhan ng imbitasyon ng bureau.
Facebook Comments










