Monday, February 16, 2026

Content creator na si Xian Gaza, inireklamo ng cyber libel sa NBI

Personal na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si beauty queen Michelle Dee para maghain ng reklamong cyber libel laban kay internet personality Christian “Xian” Gaza.

Kaugnay ito ng aniya’y mapanirang mga post sa social media ni Gaza laban sa kanya.

Ilan ding social media pages ang inireklamo ni Dee sa NBI na may kaugnayan pa rin sa kanilang kinakaharap na kontrobersiya ng actress na si Rhian Ramos hinggil sa reklamong pambubugbog at illegal detention ng driver ni Ramos.

Aminado si Dee na naapektuhan sila sa mga negatibong posts sa social media bagama’t batid niya na bahagi ito ng kanyang trabaho bilang public personality.

Kinumpirma rin ni Dee na magkasama sila sa bahay ni Ramos kaya araw-araw aniya silang nagkakausap.

Tumanggi naman si Dee na magkomento sa reklamong inihain laban sa kanila ni alyas Totoy.

Aniya, ipinauubaya na nila sa NBI ang pag-iimbestiga hinggil dito.

Facebook Comments