Contigency plan para sa mga Pilipinong maiipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas, inilatag ng DFA

Nakahanda na ang contingency measures ng pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng halos 30,000 Pilipino sa Israel matapos ang airstrike sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Strategic Communications Executive Director Ivy Banzon-Abalos, wala pang naitatalang Pilipino na nasaktan sa nagaganap na sigalot.

Nakahanda na aniya ang shelters na maaaring tuluyan ng mga Pinoy sa Israel sakaling lumala pa ang sitwasyon doon.


Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang mga Pinoy na maging vigilante at ipagpaliban muna ang kanilang lakad sa mga lugar na malapit sa border ng Gaza.

Pinaiiwas din ng mga ito ang mga Pilipino na magtungo sa West Bank at East Jerusalem lalo na tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado.

Sa kasalukuyan, wala pang security advisory o travel alert para sa mga Pilipino sa Israel.

Facebook Comments