Contigency plan para sa volcano emergency, nakalatag na saka-sakaling muling pumutok ang Bulkan Bulusan

Mayroon nang nakalatag na contingency plan ang pamahalaan saka-sakaling muling mag-alburoto at pumutok ang Bulkang Bulusan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal na mahirap kasing i-predict ang behavior ng bulkan kung kaya’t dapat ay laging handa.

Ayon kay Timbal, lahat ng munisipalidad at lokal na pamahalaan na nakapaligid sa bulkan ay mayroon nang karampatang kahandaan at paalala na ipinabatid ng NDRRMC.


Kabilang dito ang lahat ng evacuation centers ay dapat na laging handang magamit ng ating mga kababayan, pag-iimbentaryo ng supplies kasama na ang face shield, face mask at iba pang hygiene kits gayundin ang logistics o kahandaan ng assets ng pamahalaan tulad ng mga sasakyan upang agad na mailikas ang ating mga kababayan na nasa peligro.

Sa ngayon ani Timbal, mas payapa na ang sitwasyon ng bulkan kung saan wala nang naganap na major eruption activity tulad ng nangyari noong Linggo.

Tuloy-tuloy rin aniya ang ginagawa nilang pagmo-monitor sa mga tinaguriang danger zone ng bulkan.

Facebook Comments