Iminungkahi ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin sa gobyerno, na gamitin ang contingency funds para tulungan ang mga Pilipino na apektado ng gulo sa Israel.
Ayon kay Herrera, ang contingent fund ay nakalaan para sa mga emergency situation kaya pwede itong gamitin para sa pagpapa-uwi sa mga Pilipino sa Israel at sa pagbibigay sa kanila ng trabaho.
Kaugnay nito, ay hiniling din ni Herrera sa pamahalaan na maglatag ng economic plans para maibsan ang epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ng biglang pagkawala ng kanilang trabaho sa Israel.
Pinapatiyak din ni Herrera sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel, at idiniin na ito ay dapat prayoridad ng pamahalaan.