Contingency measures, inilalatag sakaling magkaroon ng power outage sa araw ng halalan

Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) ng contingency measures sakaling magkaroon ng power outages sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maglalagay sila ng generator sets lalo na sa mga lugar na mataas ang posibilidad ng mawawalan ng kuryente.

Magkakaroon din ng dagdag na mga baterya ang mga Vote Counting Machine (VCM).


Aniya, ang battery life ng bawat VCM ay kayang tumagal ng hanggang 16 oras.

Tiniyak naman ng electric companies at power providers sa poll body na walang mangyayaring power interruption sa darating na halalan.

Facebook Comments