Contingency plan, ipinalalatag para sa mga kababayang maaapektuhan ng gulo sa Lebanon

Pinaglalatag ni Senator Risa Hontiveros ang gobyerno ng contingency plan hinggil sa repatriation ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naiipit ngayon sa gulo sa Lebanon matapos magpakawala ng airstrike ang Israeli forces sa headquarters ng Hezbollah militant group.

Ayon kay Hontiveros, dapat may nakalatag nang contingency plans ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Migrant Workers (DMW) sakaling lumala ang tensyon sa Lebanon.

This slideshow requires JavaScript.


Pinamamadali rin ng mambabatas ang dalawang ahensya sa pag-repatriate ng ating mga kababayang naiipit sa kaguluhan doon sa lalong madaling panahon.

Dapat aniyang may mga nakalatag nang contingency plans ang ating mga ahensya sakaling lumalala ang sitwasyon.

Umapela rin ang mambabatas sa mga OFW sa Lebanon na makipagugnayan sa embahada ng bansa sa lalong madaling panahon sabay pagbibigay ng garantiya ng mataas na kapulungan na mabibigyan ng livelihood assistance ang mga uuwi ng bansa.

Tiwala si Hontiveros na ginagawa naman ng mga ahensya ang lahat ng paraan upang matiyak ang seguridad, kaligtasan at kapakanan ng mga OFW.

Facebook Comments