Contingency plan, ipinalalatag sa gobyerno sa gitna ng banta ng Omicron variant

Pinaglalatag ni dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ng contingency plan ang pamahalaan sa gitna na rin ng bagong banta ng Omicron variant.

Kinukwestyon ng kongresista kung handa ba ang bansa sakaling magkaroon at makapasok sa bansa ang mga uusbong na bagong variant ng sakit.

Mahalaga aniya na may contingency plan upang handa ang sistema ng bansa partikular sa ayuda, kaligtasan at lalong-lalo na sa pagbabalik ng face-to-face classes kung saan marami pa sa mga kabataan ay hindi bakunado.


Kasabay nito ay nanawagan si Cayetano sa gobyerno na makipag-usap na ngayon pa lang sa manufacturers ng COVID-19 vaccines.

Ikinakabahala kasi ni Cayetano na baka kapag andyan na ang enhanced na bakuna ay mahuli na namang makakuha ng suplay ang bansa.

Nangangamba ang kongresista na maulit ang pagbebenta ng mga lumang bakuna na naranasan ng Kongreso sa Bayanihan 2 dahil hindi agad nahingi ang mga requirement na kailangan sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments