Contingency Plan ng COMELEC para sa 2022 elections, pinapasumite ni Senator Sonny Angara

Malinaw para kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na matutuloy ang 2022 elections taliwas sa isinusulong sa Kamara na ipagpaliban ito dahil sa banta ng COVID-19.

Bunsod nito, iginiit ni Angara ang kahalagahan na mailahad ng Commission on Elections (COMELEC) ang preparasyon nito para sa halalan.

Sa pagharap sa budget hearing ng Senado ay hihingin ni Angara ang contingency plan ng COMELEC sa pagsasagawa ng botohan habang pinoproteksyunan ang kaligtasan at kalusugan ng mga botante.


Nais ni Angara na idetalye ng COMELEC kung papahabain ba nito ang oras ng botohan at kung magkakaroon ba ng dagdag na mga polling precinct para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.

Inaasahan na ni Angara na mangangailangan ng dagdag na pondo ang COMELEC na kailangan nilang malaman para sa pagtalakay sa panukalang pondo nito sa susunod na taon.

Facebook Comments