Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na may nakalatag ng contigency plan ang gobyerno saka-sakaling magdesisyon na manatili muna sa bansa ang nasa mahigit 100 Filipino na galing ng Caribbean.
Ang 132 mga Pinoy ay dumating sa Pilipinas kagabi makaraang boluntaryong magpasailalim sa repatriation ng DFA matapos hagupitan ng Hurricane Irma ang kanilang lugar.
Ayon kay Foreign Affairs Asec Rob Bolivar, kung gustong magtrabaho muna ng ating mga kababayan dito sa bansa ay maaari nila itong asistehan.
Maliban dito, nakahanda rin ang DFA na tulungan ang ating mga kababayan na makabalik sa kanilang trabaho lalo na yung mayruon pang existing na kontrata.
Sa ngayon naniniwala si Bolivar na matatagalan pa bago mapabalik pa ang mga kababayan natin sa Carribean at ilang bahagi ng Estados Unidos dahil narin sa laki ng pinsala ng Hurricane Irma.