Contingency plan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan, nakalatag na

Nakalatag na ang mga contingency plan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa magaganap na malawakang transport strike.

Sa anunsiyo ni Mayor Along Malapitan, nasa 65 sasakyan ang nakahanda para sa programa nila na Alalay sa Mananakay: Libreng Sakay sa mga araw ng strike sa kanilang lungsod.

Aniya, ide-deploy nila ito para sa libreng biyahe ng mga pasahero kung saan prayoridad nila ang mga lugar na lubos na apektado ng strike.


Maging ang mga numumuno sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay inabisuhan na rin ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na magsagawa muna ng online classes.

Inatasan din ng alkalde ang Caloocan City Police na magdagdag pa ng mga tauhan sa mga matataong lugar lalo na sa mga sakayan ng jeep kung saan ipatupad nila ang maximum tolerance.

Nais kasi ni Mayor Malapitan na masiguro ang kaligtasan ng mga commuter at motorista lalo na ang mga hindi sasali sa tigil pasada.

Facebook Comments